ano Ang buod ng el filibusterismo
1. ano Ang buod ng el filibusterismo
Answer:
Sa katapusan ng nobelang Noli me Tangere ang alam ng taong bayan ay nasawi ang binatang si Crisostomo Ibarra. Ngunit ang katotohanan ay labi ng pilotong si Elias ang nakalibing sa puntod ni Ibarra.
Pagkalipas ng labing-tatlong taon, bumalik sa bayang sinilangan si Juan Crisostomo Ibarra. Nagbalik ang binata bilang si Simoun, isang kapitapitagang mayamang negosyante ng mga alahas.
Ang unang nakabatid ng kanyang lihim na pagbabalatkayo ay ang binatang anak ni Sisa, na nagngangalang Basilio. Malaki ang tiwala ni Simoun kay Basilio kaya ipinagtapat niya dito ang kanyang layunin na makapaghiganti sa pamahalaang umapi sa kanya.
Hinikayat ni Simoun ang binata na makiisa sa kanya upang maisakatuparan ang kanyang layunin,ngunit siya ay tinanggihan ng huli. Bagama’t tumanggi si Basilio sa alok ni Simoun, muli niya itong pinakiusapan na tulungan siya upang mailigtas ang babaing kanyang iniibig. Ito ay hindi nangyari dahil pumanaw si Maria Clara sa mismong araw ng pag-uusap nila.
Mula sa hindi inaasahang pangyayari si Basilio at iba pang kabataan ay pinagdadampot at ipinasok sa kulungan ng mga guardiya sibil. Ang pagkakataong ito ay hindi pinalagpas ni Simoun upang tulungang makalaya ang binata.
Pagkalabas sa kulungan ay kusang- loob na sumama si Basilio kay Simoun upang maisakatuparan ang kanyang paghihimagsik laban sa pamahalaan. Inutusan ni Simoun si Basilio na pasabugin ang isang piging na dadaluhan ng mga matatas na tao sa pamahalaan.
Ngunit si Basilio mismo ang gumawa ng paraan upang hindi matuloy ang planong pagpapasabog. Umalis ng bayan at nagtago si Simoun sa tahanan ni Pari Florentino.
Dahil sa kanyang kabiguan at tiyak na kahihinatnan kapag siya ay nahuli, uminom ng lason si Simoun upang wakasan ang sariling buhay. Bago siya malagutan ng hininga, nangumpisal siya sa pari at ipinagtapat ang kanyang planong paghihimagsik.
2. Ano ang Buod ng El Filibusterismo?
Ang pagkamit ng katarungan sa marahas na pamamaraan, kailanman ay hindi magbubunga ng maganda.
3. BUOD NG El Filibusterismo
NASA PICTURES PO ANG SAGOT
HOPE IT HELPS
4. pa buod ang kabanata 33 ng el filibusterismo
Answer:
Ang Kabanata 33 ng "El Filibusterismo" ni Jose Rizal ay pinamagatang "Pacto con el Diablo" na isinalin sa "Pact with the Devil."
Sa kabanatang ito, nakipagkita si Simoun kay Padre Irene, isang paring Heswita na kilalang kumpesor ng maraming maimpluwensyang tao sa pamahalaan.
Ibinunyag ni Simoun ang kanyang planong maghasik ng kaguluhan at pagkasira sa bansa upang mapilitan ang pamahalaan na magreporma.
Hiniling niya kay Padre Irene na tulungan siya sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa mga makapangyarihang taong kilala niya na suportahan ang kanyang plano.
Si Padre Irene sa una ay nag-aalangan, ngunit si Simoun ay nag-alok sa kanya ng isang kasunduan na hindi niya maaaring tanggihan.
Binigyan ni Simoun si Padre Irene ng makapangyarihang lason na magagamit niya para patayin ang kanyang mga kaaway.
Bilang kapalit, sumang-ayon si Padre Irene na tulungan si Simoun sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang impluwensya upang ibaling ang mga makapangyarihang tao laban sa pamahalaang Espanyol at suportahan ang rebolusyon.
Lumapit din si Simoun kay Basilio, na ngayon ay nag-aaral ng medisina sa Maynila. Sinabi niya sa kanya ang kanyang mga plano at hinihimok siyang sumali sa rebolusyon.
Nag-alinlangan si Basilio at sinabi kay Simoun na ayaw niyang madamay sa anumang marahas na pag-aalsa.
Nakumbinsi ni Simoun si Basilio sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanya ng paghihirap ng mga tao at pagsasabi sa kanya na ang tanging paraan upang matulungan sila ay sa pamamagitan ng rebolusyon.
Sa pagtatapos ng kabanata, tinapos ni Simoun ang kanyang plano na magtanghal ng isang engrandeng panoorin sa panahon ng pista ng bayan upang lumikha ng kaguluhan at kalituhan, at lumikha ng pagkakataon upang makamit ang kanyang mga layunin.
5. ano ang buod ng kabanata 22 el filibusterismo
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila. Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung-dalawang kabanata.
Kabanata 22: Ang Palabas
Marami sa mga nanood ng palabas ay hindi nasiyahan dahil sa hindi mawaring kahulugan ng wikang Pranses. Maatagal na naantala ang pagsisimula ng dula dahil sa matagal na pagdating ng Heneral. Napuno ang lahat ng palko na nakalaan sa mga panauhin maliban sa isa na nakalaan sa mag-aalahas na si Simoun.
Nabigla ang mga kabataang sa pagdating ng isa sa mga tutol sa pagtatanghal, si Don Custodio. Ang matapang naman nitong depensa ay inutusan siya ng mga kinauukulan upang magsilbing ispiya. Masaya ang lahat nang mag-umpisa na ang palabas. Ngunit habang ito ay tumatagal ay unti-unting nalilito ang mga nanood. Marami sa mga panauhin ay hindi nakakaintindi ng wikang Pranses.
Lalo pang nagkalituhan nang tangkain ng ilan na isalin ang dula sa wikang Kastila. Marami kasi sa mga taga-salin ay pawang mga nagmamagaling lamang ngunit ang katotohanan ay hindi rin nila lubos na iintindihan ang salitang Pranses. Ikinagulat ng lahat ang pagtayo at paglabas ng grupo mga mag-aaral sa kalagitnaan ng dula.
Aral – Kabanata 22
Ang pagkakaroon ng sariling wika ay tanda ng isang ganap na kalayaan. Hindi lamang ito karapatan bilang isang tao bagkus ay para rin sa kalayaan ng pang-unawa at kaisipan.
Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang link:
https://brainly.ph/question/290973
Answer:
Kabanata 22 El Filibusterismo – "Ang Palabas "
Buod:
Isang hapon, punong-puno ng mga tao sa lugar ng dulaan ngunit lampas na sa oras ay di pa rin nagsisimula ang palabas sa kadahilanang hinihintay pa nila ang Kapitan Heneral. Marami nang naiinip, nagsisipadyak at sumisigaw na buksan na ang tabing upang pasimulan na ang palabas.
Ang palko o lugar kung tawagin ay may pulang kurtina na uupuan ng Kapitan Heneral. Isang ginoo ang hindi inaasahang umupo dito at ayaw nitong tumindig. Si Don Primitivo kasi ang may-ari ng upuan kinauupuan nito.
Dahil dito’y tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa upuan nang makita niya na ayaw tumindig ng ginoo. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip at naghihintay sa pagsisimula ng palbas.
Samantala, habang nagaganap ang kaguluhan ay biglang tumugtog ang marchareal dahil dumating na ang Kapitan Heneral. Sinasabing manonood ang ito ng palabas dahil sa dalawang kadahilanan. Ang una ay hinahamon diumano ito ng simbahan na manood ng palabas at ang pangalawa ay dahil ito ay gusto lamang na makita at masaksihan ang pagtatanghal.
Nasa loob din ng dulaan si Pepay at katapat ng mga estudyante ang kinauupuang palko nito. Kinuntsaba siya ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso nito. Noong hapong iyon ay sumulat si Pepay sa kagalang-galang na tagapayo at naghihintay ng kasagutan.
Naroroon din si Don Manuel na panay ang pasaring kay Don Custodio. Si Makaraig ay makahulugang tumitingin kay Pepay na parang ibig ipahiwatig na mayroon siyang gustong sabihin.
Masaya ang mga estudyante, si Pepay pati na si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.
Maya-maya’y umawit si Gertude, isang Pransesa. Sige sa pagsalin si Tadeo sa wikang Kastila ng mga salitang Pranses na naririnig. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita Gomez at Donya Victorina. Lamang ay madalas mali ang pagsalin ni Juanito. Dito rin nagsimula ang paghanga ng Donya sa kanya at hinangad na pakasalan ang binatang kuba pag namatay ang mister na si Don Tiburcio.
Umawit din si Serpolette. Mayroong pumalakpak na nakilala ni Tadeo na si Padre Irene. Pinapag-espiya pala ito ni Padre Salvi kung sadyang masama nga ang palabas ng mga Pranses. Namukhaan ng mananayaw si Padre Irene at kakilala pala siya ni Serpolette doon pa sa Europa.
Pagkaraan ay may isang bababeng dumating na may kasamang asawa. Ipinagmamalaki pa niya ang pagkahuli ng dating. Nang makitang wala pang laman sa may palko ay inaway ng ginang ang asawa.
Sinutsutan siya ng mga tao at sa inis ay tinawag niya ang mga ito na mga “ungas” at akala mo daw ay marurunong mag-pranses.
Si Ben Zayb naman ay panay ang panunuligsa sa pinapanood at sinabing ang mga nagsiganap ay hindi mga artista at di marunong umawit.
Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang cancan.
Napag-usapan din ang di pagsipot ni Simoun sa dulaan. Pinagtalunan naman ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses.
Galing si Makaraig kay Pepay, malungkot ang mukha kaya naman pagbalik niya ay nag-usisa ang mga kapwa mag-aaral. Dala niya ang balita na may pasya na daw tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene.
Sinang-ayunan daw ang paaralan ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa pamamahala ng mga Dominikano.
Keyword: palabas
Para sa mga Tauhan sa Kabanata 22 ng El Filibusterismo, sumangguni sa link na: brainly.ph/question/1363280
#LearnWithBrainly
6. ano ang buod ng kabanata 14 el filibusterismo
Answer:
Sa Bahay ng mga Estudyante
Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Siya rin ang pinuno ng mga mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila.
Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan ang kanilang panukala. Habang si Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo.
Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni Padre Irene sa kanilang plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio, isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw. Malalapit daw kasi ang mga ito sa pari.
Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle.
#BrainlyFast
7. ano ang buod ng kabanata 11 el filibusterismo
Answer: ang kapitan heneral ay nangaso sa busu-buso. May kasama siyang bandang musiko sapagkat siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng Pantrono Real ng Hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan Heneral. Ibig na sanang pagbibihisang usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagkat maawaun siya’t di makikita na di siya makatatama ng ibon ng usang babarilin.
8. Ano po ba ang buod ng El Filibusterismo?
Answer:
hi nood kapo el. filibusterismo/
Explanation:
maria clara at ibara
9. maiksing buod ng el filibusterismo
Answer:
Explanation:Narito ang banghay ng El Filibusterismo:
1. Simula
Bumalik si Crisostomo Ibarra sa kanyang bayang sinilangan matapos ang labingtatlong taon. Siya ay nagbalik pero sa katauhan ni Simon na naglalayong makapaghiganti sa pagkawalang katarungang kanyang naranasan noon. Binabalak niyang mag-udyok at mag-umpisa ng himagsikan. Gusot niyang mabawi ang kanyang minamahal na si Maria Clara at magganyak ng pagbabago sa sistema ng bansa.
2. Papataas ng Aksyon
Kanyang kinaibigan ang Kapitan-Heneral para mapalapit sa mga myembro ng alta-sosyedad. Ginawa niya ito para magbuyo sa ma ito na gumawa ng pagmamalupit sa mga mahihirap at naapi ng kasalukuyang bulok na sistema.
3. Kasukdulan
Hindi sinasadyang nabunyag ang totoong pagkatao ni Simon. Ang nakaalam ay si Basilio na dati na ring nakadaupang palad ni Ibarra/Simon. Hinimok niya ito na sumali sa planong pag-aaklas ngunit ito ay hindi sumang-ayon. Iba ang pananaw ng binata hinggil sa pagpapatupad ng pagbabago sa sistema. Noo'y ang binata ay malapit ng magtapos sa kolehiyo. Kasama ng mga kaklase nito, sila ay nagmungkahi sa mga prayle na magtatag ng isang paaralang kung saan maaring aralin ang wikang Kastila. Hindi nagtagumpay ang mga mag-aaral sa kanilang nais. Silay nagbunyi at nagsaya sa isang pansiterya ngunit may kaakibat na paglibak sa kanilang inabot. Habang kanilang kinukutya ang nangyari hinggil sa kanilang planong pagtatayo ng paaralan, hindi nila alam na may espiyang nakikinig.
Sa isang banda, si Simon naman ay kumikilos para unti-unting maisakatuparan ang kanyang mga plano. Siya ay nakikipagusap sa mga bandido ng grupo ni Kabesang Tales. Isang magandang pagkakataon din ang nangyari ng mapapayag ni Simon si Quiroga na itago ang mga armas sa kanyang bahay kapalit ng pagbabawas ng utang nito kay Simon.
4. Pababa na Aksyon
Nakahanap si Simon ng tumpak na panahon para kanyang pag-atake. Sa dulaang magaganap, kanyang maisasalatuparan ang simula ng pag-aalsa sapagkat naroon ang lahat ng kanyang puntirya sa paghihiganti.
Nagsanga ulit ang landas ni Basilio at Simon at hinimok ng huli ang una na sumali sa paghihimagsik. Ibinalita nito ang nangyari kay Maria Clara kay Simon at ito ay naghinagpis.
Pagkatapos ng mga ilang araw ay sumakabilang-buhay si Kapitan Tiago buhat ng malaman ang nangyari sa anak. Tumigil na rin ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Habang si Basilio ay nasa piitan, ang kanyang kasintahang si Huli ay nagpakamatay sa kumbento. Nakalaya si Basilio at nagsangang muli ang landas nila ni Simon. Sa bandang ito, nagpasya ang binata na sumanib na sa layunin ni Simon sa himagsikan.Pinaliwanag ni Simon ang kanyang planong pagpapasabog at ito ay magaganap sa papiging ng kasal nila Paulita at Juanito.
5. Kakalasan o Wakas
Sa nasabing piging natagpuan ni Padre Salvi ang isang maikling mensahe na may kaakibat na pirma ni Crisostomo Ibarra. Ito ay nangamba at nagdulot ng kaguluhan sa mga tao sa piging. Nakita ng mga tao ang pag-andap ng lampara. Sa plano, ang lampara ay iilaw lamang ng bente minutos, sapat para magsimulang lumiyab at kumalat sa mga pulburang nakatanim sa bahay. Ngunit sadyang mahal ni Isagani ang dating kasintahang si Paulita at hindi nito maaatim na mamatay, tinapon nito ang lampara sa ilog. Sa gitna ng kaguluhan, tumakas si Isagani.
Hindi naisakatuparan ni Simon ang kanyang plano at nalaman ng mga tao na siya ang mag pakana ng lahat. Ito ay naging pugante sa lipunan. Habang siya ay nakabulos at umiiwas sa pagkahuli, nabaril siya ng gwardya sibil. Sa kanyang sitwasyon, siya ay pumunta kay Padre Florention at doon ay naningalang-pugad. Uminom si Simong ng lason para hindi mahuli ng buhay ng pamahalaan. Kanyang ipinakilala ang kanyang tunay na katauhan sa pari at naghinga ng sama ng loobin hinggil sa pagkabigo sa planong himagsikan. Si Simon ay pinaliwanagang maigi ng pari at kanya itong tinanggap sa kanyang puso. Pagkaraan, ito ay binawian na rin ng buhay. Ang lahat ng nalalabing mga alahas ni Simon ay itinapon ng pari sa dagat.
10. ano ang buod ng kabanata 10 el filibusterismo
Answer:
Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Kinausap ni Simoun si Tales at ipinakita ang rebolber na sapat na upang maipagtanggol ang sarili niya sa mga tulisan, ngunit tila walang imik ito. Ngunit nang makita ni Simuon ang agnos na noo'y binigay niya kay Maria Clara ay inalok niya na tawaran ito kay Tales kapalit ang isang rebolber ngunit isasangguni muna raw niya ito kay Huli. Nang magtatakip-silim ay lumabas si Tales upang dalawin si Huli ngunit nang siya ay mapadaan sa dating lupa ay nakita niya ang mga administrador ng lupa at magsasaka na tila tinatawanan siya, madalian na lamang siyang bumalik sa bahay niya. Kinabukasan ay nagising na lamang si Simoun na wala na ang kanyang rebolber sa tabi at kanyang nakita na lamang ay ang sulat na iniwan at agnos. Dahil dito ay ikinatuwa 'to ni Simoun daliang nagpautos sa mga tauhan na magpunta sa San Diego. Samantala, dadakipin sana ng mga guwardya sibil si Kabesang Tales sa kanyang bahay ngunit wala siya doon, kaya't si Tandang Selo na lamang ang kinuha. Nang sumunod na gabi, tatlo ang nabalitaang patay. Ang administrador ng mga prayle, bagong nagsasaka sa lupa ni Tales at ang asawa nito. Natagpuan silang patay na puno ng lupa sa bibig at sa tabi nila ay may papel na nakasulat sa dugong, "Tales."
11. anu buod ng el filibusterismo
Answer:
El filibusterismo (transl. The filibusterism; The Subversive or The Subversion, as in the Locsín English translation, are also possible translations), also known by its alternative English title The Reign of Greed,[1] is the second novel written by Philippine national hero José Rizal. It is the sequel to Noli Me Tángere and, like the first book, was written in Spanish. It was first published in 1891 in Ghent.
12. buod ng el filibusterismo timeline
Answer:
laìsan maw kaìsan lau tai san
13. Buod ng El Filibusterismo
Buod ng El Filibusterismo
Ang nobelang El Filibusterismo ay sinasabing karugtong ng nobelang Noli Me Tangere na parehong aklat ni Jose P. Rizal. Ang tinatalakay sa nobela ay maihahambing sa mga pangyayari sa kapanahunan ni Jose Rizal.
Ang buod ng El Filibusterismo ay pwedeng mahati sa tatlong bahagi gaya ng sumusunod
Ang pagbabalik ni Crisostomo Ibarra sa Noli me Tangere bilang Simoun sa El FilibusterismoAng paghahanda at pagsasagawa ni Simoun sa kanyang paghihiganti sa mga prayleng mapang-apiAng pagkabigo ng tuluyang paghihiganti at tuluyang pagkamatay ni SimounNagsisimula ang El Filibusterismo sa paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang na pasahero si Ibarra na kilala bilang si Simoun na nagbabalatkayong mag-aalahas sa kanyang pagbabalik sa bayan ng San Diego. Naging kaibigan at tagapagpayo ng Kapitan Heneral ng Espanya si Simoun. Nakilala niya si Isagani na isang makata dahil kay Basilio. Nalaman ni Basilio na si Simoun ay si Ibarra. Hinikayat ni Simoun si Basilio na makiisa sa layunin niyang maghiganti sa Pamahalaang Kastila ngunit tumanggi ito pero kalaunan ay kakampi din niya.
Ang unang tangkang paghihimagsik ni Ibarra ay hindi natuloy dahil sa pagkamatay ng kanyang dating kasintahan na si Maria Clara. Lahat ng paraan ay ginawa ni Simoun upang may mahimok siyang sumama sa kanyang paghihiganti gaya ni Basilio. Ang tanging layunin ni Simoun sa kanyang pagbabalik sa San Diego ay maghiganti at gumawa ng gulo.
Ang hangarin ni Simoun na tuluyang maghiganti sa pamamagitan ng pagpapasabog ng bombang lampara sa kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez ay hindi natuloy dahil inihagis ni Isagani ang lampara sa Ilog. Nalaman na si Simoun ang may pakana kaya't siya ay tumakas at nagtago kay Padre Florentino. Ipinagtapat niya ang kanyang tunay na pagkatao at sinabing nanaisin niyang magpatiwakal kaysa sumuko sa kamay ng nga kastila. Sa kanyang pagkamatay, lahat ng kanyang kayamanan ay pinaanod ni Padre Florentino at lumobog sa kailaliman ng karagatan.
Para sa karagdagang Buod ng el filibusterismo https://brainly.ph/question/521258
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo buod https://brainly.ph/question/1254743
14. ano ang buod ng kabanata 5 el filibusterismo
Kabanata 5 Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.
Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.
Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?)
Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.
Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.
Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.
15. Buod ng el filibusterismo
Ang El Filibusterismo ay ang kasunod na nobela ng Noli Me Tangere kung saan pinakita ang malaking pagbabago sa mga tauhan mula sa unang nobela.
Ang buod ng El Filibusterismo ay maaaring mahati sa tatlong bahagi at ito ay ang sumusunod:
Ang pagbabalik ni Juan Crisostomo Ibarra bilang si Simoun, ang paghahanda ni Simoun para sa isang armadong pag-aalsa at pagsasagawa ng terorismo, at ang kanyang pagkabigo at tuluyang pagkamatay at pagtapon ng kayamanan niya sa karagatang Pasipiko.
16. Buod ng el filibusterismo kabanata 1 ang kubyerta
Answer:
Below
Explanation:
Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at patungong Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina
Don Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun. Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang maimpluwensiyang alahero. Kilala siya
sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral. Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na
biyahe, napag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila. Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag- alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang balut na pinandidirihan niya.
Aral – Kabanata 1
Ang buhay kung minsan ay isang Bapor Tabo. Nasa itaas ang may kapangyarihan. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ligtas na sila sa mga suliranin dahil sila mismong nasa taas ay ang gumagawa ng kanilang mga intindihin.
17. Buod ng EL Filibusterismo
Answer:
tumatakbo ang nobelang ito sa paghihimagsik.
Explanation:
ipinapakita dito kung saan aabot ang kakayahan ng isang tao upang makapag higanti sa mga taong pilit na umaagaw ng kalayaan na dapat ay tinatamasa ng bawat isa.
18. Pagsulat ng Buod(El Filibusterismo)
Answer:
"El Filibusterismo Buod ng Buong Kwento"
Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo na naglalakbay. Lulan nito ang maraming taong papunta sa Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun, Basilio, Isagani, at ilang mga pari.
Explanation:
nasa com sec iba
19. ano ang buod ng kabanata 19 el filibusterismo
Answer:
Kabanata 19: Ang Mitsa
Buod
Larawan ng isanag karaniwang kabataan si Placido Penitente. Tinataglay niya ang katangiang mapusok, siya ay nagkamali ngunit sa bandang huli ay nahanap din ang tamang daan tungo sa magandang kinabukasan at hinaharap. Labis ang naramdamang hinagpis ng kanyang amang si Kabesang Tales dahil sa desisyon ni Placido kaugnay sa kanyang pag-aaral. Kinausap ni Kabesang Tales ang kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos ng ito ng kursong abogasya. Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan ang kanyang ina. Habang naglalkad sa bayan ay nakita niya si Simoun. Lumapit siya dito at isinalaysay ang mga nangyari sa kanya. Kaya na lamang, sinadya ni Simoun na isama si Placido sa isang pagawaan ng pulbura. Nasaksihan at nakita ng binata ang hirap ng kalagayan ng mga manggagawa ni Simoun at sunod naman nilang pinuntahan ay ang tahanan ng mag-aalahas. na si Simoun.
Sa nahay ni Simoun, dito nakita ni Placido ang isang bata na kasing edad niya ngunit malayong matanda ang itsura kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay sanhi ng mga mabibigat na gawain na naiatang at binigay sa kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat ang isip at kalooban ni Placido.
Keywords: Placido, Simoun
Aral ng Kabanata 19
Hangga't mayroong pagkakataon at oras pa samantalahin, gamitin at ingatan ito upang makapagtapos sa pag-aaral, pagbutihin ang mga natitirang panahon sa pagtupad ng mga pangarap upang magkaroon ng magandang kinabukasan at magtagumpay sa buhay. Dahil ang oras at panahon kapag lumipas at nasayang ay hindi na maibabalik pa.
Para sa karagdagang Kaalaman
Mga Tauhan sa Kabanata 19: brainly.ph/question/1318569
Mga Mahahalagang Pangyayari: brainly.ph/question/2138280
#LearnWithBrainly
20. ano ang buod ng kabanata 29 el filibusterismo
Kabanata 29: Ang Huling Pati-Ukol Kay Kapitan Tiyago (Buod)
Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan Tiago. Napunta ang naiwan niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral.
Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni Tiago sa kaniyang libing. May nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito ng Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot.
May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa langit.
Marangya ang libing na maraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan at agua bendita na inialay sa kabaong.
Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya.
Aral – Kabanata 29
Kung ano ang kabutihang itinanim ay siya ring aanihin. Dahil naging mabuting tao si Tiago, naging maganda rin ang pag-alala ng mga tao sa kaniya hanggang sa huling sandali.
Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa link:
https://brainly.ph/question/2111049
21. Ang kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo buod
Explanation:
[tex]\huge \color{red}{ \mathbb{BBM}} \color{blue}{-} \huge \color{green}{ \mathbb{SARA \: DUTERTE}}[/tex]
[tex]{\color{red}\rule{100pt}{1000000pt}}{\color{green}\rule{100pt}{1000000pt}}[/tex]
22. ang buod ng kabanata 10 ng el filibusterismo
Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas.
Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.
Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisip niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama. Wala namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun.
Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si Simoun. Tinanong si Kabesang Tales kung may may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabuti pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun.
Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si Kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak.
Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng mag-aalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mga tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani Simoun: sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangako.
Dinakip ng mga Guwardiya Sibil si Tandang Selo. Natutuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
23. buod ng el filibusterismo kabanata 20 "Ang Nagpapalagay"
buod ng el filibusterismo kabanata 20 "Ang Nagpapalagay"
Nasa mga kamay ni Do Custodio ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila, nasiyang pinagkakatiwalaan lumutas ng mga suliraning ito.
Si Do Custudio de Salazar y Sanchez de Monteheredondo ay kilalang tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang "Buena Tinta" siya ay nakapag asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng kanyang asawa,Nakapagnegosyo kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag.
Nang bumalik sa Espanya walang pumapansin sa kanya dahil sa kakulangan sa pinag aralan,kaya wala pang isang taon ay nagbalik sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madreid.
Lumagay siyang parang isang amo at tagapagtanggol ngunit siya ay naniniwalang may mga ipinangannak na maging utusan at mayroon din ipinanganak na mag utos, ipinapalagay ni Don Custudio na ang ga pilipino ay ipinangatang upang maging utusan
Sa loob ng labing limang araw ay bumuo siya ng pasya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat
i-click ang link para sa karagdagang kaalaman sa El Fili
https://brainly.ph/question/110836
https://brainly.ph/question/582432
https://brainly.ph/question/2110865
24. buong buod ng el filibusterismo
Ang EL FILIBUSTERISMO ay ang NOBELA na kasunod ng NOLI ME TANGERE na isinulat ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal upang buksan ang mga mata ng buong Pilipino sa tunay na nangyayari sa ating bansa. Naglalaman ito mga pang-aabuso, kasakiman at na aksyon laban sa mga katutubo.
Dagdag impormasyon:
https://brainly.ph/question/399738
https://brainly.ph/question/1894061
https://brainly.ph/question/1256322
25. ano ang buod ng kabanata 11 el filibusterismo
Answer:
Batay sa nabasa ko ito ung nabuo kong buod ng kabanata 11 elfelibusterismo: Los Banos
Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos.
Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa.
Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.
Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako.
Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang binata kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa kalinisan at kapayapaan ng bayan
-Thea
26. ano ang buod ng kabanata 13 el filibusterismo
Answer:
Ang Kabanata 13 ay may titulo na “Ang Klase Sa Pisika” na sa saling Ingles ay “The Class in Physics”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ng sukat. Ang mga bintana ay malalaki rin na may rehas na bakal. Mayroong upuang kahoy sa magkabilang panig ng kuwarto na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang ma mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido.Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit ang mga ito’y nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado.
Ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran ay si Padre Millon. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upangtanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido.
Explanation:
buod
27. ano ang buod ng kabanata 30 el filibusterismo
Explanation:
Nang araw na iyon ay napabalitang nahuli si Basilo at Napabalitang maipapatapon ito sa malayong lugar at maari raw itong patawan ng kamatayan habang naglalakbay sa karagatan dahil sa balitang iyon ni Hermana Bali sa pagkakabilanggo ni Basilio ay hindi agad nasakyan ng dalaga ang grabeng balita . Kinailangan pang ulitin ng bago ang kwento upang maintindihan iyong mabuti ni Juli at ang kwentong napakinggan ay ayaw paniwalaan ng dalaga pero sumumpa sa langit si Hermana Bali bilang pagpapatotoong nagsasabi siya ng totoo. At dahil doon ay nawalan n g ulirat si Juli at upang mapabalik ang malay ay sinampal ng malakas ang dalaga.
28. ano ang buod ng kabanata 37 el filibusterismo?
Answer: kasalanan
Explanation: lululi
29. Buod ng kaligirang el filibusterismo
Answer:
Ang nobelang El filibusterismo ay umiikot sa pagnanais ni Simon(Crisostomo Ibarra)na maghimagsik sa mga taong umaagaw ng kalayaan na dapat ay tinatama ng bawat isa.Masasalamin din dito ang mga masasalimuot na pangyayaring natamonni Basilio nang Dahil kay Simoun na ang nais sana'y sagipin si Maria Clara. Sana naka tulong goodluck
30. buod ng el filibusterismo brainly
Answer:
ano po?paki ayos po ung salita(need Lang point)