kwento ng talambuhay ni daragang magayon
1. kwento ng talambuhay ni daragang magayon
Siya ay isang maganda siya ay si Magayon ito ang aktibong bulkan na matatagpuan sa Bicol
2. kwento ng talambuhay ni daragang magayon
Ang Alamat ni Daragang Magayon
ni damiana eugenio
Katulad ng lahat ng alamat, nangyari ang kuwentong ito noong unang panahon. Naganap ito
sa payapang rehiyon ng Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis, na pinamumunuan ng makatarungang datung si Makusog. Ang asawa ng datu na si Dawani ay namatay sa panganganak.
Kaya’t nanatiling iisa ang anak ni Datu Makusog—isang anak na babaeng walang kapares sa
kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon. Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit dumadayo ang napakaraming manliligaw mula sa ibang tribu, kabilang na ang nasa malalayong bayan, upang mabihag ang puso ng dalaga. Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at datu ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga.
Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at
datu ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang
kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga.
Isang katangi-tanging binatilyo ang nagpakita si Rawis: si Ulap, ang tahimik ngunit matapang
na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan. Naglakad siya nang malayo upang makita ng sarili
niyang mga mata ang ipinagbuunying kagandahan ni Daragang Magayon. Ngunit hindi katulad ng ibang manliligaw, nagdahan-dahan si Ulap. Tiniis niya ang magnakaw lamang ng mga
sulyap mula sa malayo habang nagtatampisaw si Daragang Magayon sa ilog ng Yawa.
Pagkatapos ng isang maulang gabi, pumunta ulit si Magayon sa Ilog Yawa upang magtampisaw. Nadulas siya sa batuhan at nahulog sa malamig na ilog. Dagli-dagling sumaklolo si Ulap
at binuhat ang nangangatog na dilag pabalik sa dalampasigan. Ito ang naging simula ng pagiibigan ni Daragang Magayon at ni Ulap.
Ilang beses pang nagtagpo si Ulap at si Daragang Magayon. Hanggang sa isang araw, sinundan ni Ulap si Magayon sa pag-uwi. Pagdating sa bahay ni Datu Makusog, buong lakas
nang loob na ibinaon ni Ulap ang kaniyang sibat sa hagdan. Ipinapahiwatig nito ang kaniyang
kagustuhang pakasalan si Magayon. Walang nagawa si Magayon kundi mamula, magpigil ng
tawa, at umiwas ng tingin. Dahil dito, napagtanto ni Datu Makusog na umiibig ang kaniyang
nag-iisang anak, kaya’t hindi na siya nagpahayag ng kahit anong pagtanggi. Tuwang-tuwa
si Magayon at si Ulap. Binalak nilang gawin ang kasalan pagkalipas ng isang buwan upang
mabalitaan ni Ulap ang kaniyang mga kababayan, at upang makapaghanda nang husto para
sa pagdiriwang.
Mabilis na kumalat ang magandang balita. Nakarating agad ito kay Pagtuga, na namula sa
galit. Nang mangaso si Datu Makusog, dinakip siya ni Pagtuga. Nagpadala si Pagtuga ng mensahe
kay Magayon, nagbabantang papatayin ang kaniyang ama at maghahasik ng digmaan sa
kaniyang bayan kung hindi siya pakakasalan.
Sinunod ni Magayon ang kahilingan ni Pagtuga, labag man sa kaniyang kalooban. Agad-agad
na inihanda ang kasalan. Nang malaman ni Ulap ang masaklap na pangyayari, nagmadali
siya pabalik ng Rawis kasama ang pinakamagigiting niyang mandirigma.
Kasisimula pa lamang ng seremonya nang dumating sina Ulap. Sa halip na isang pagdiriwang
para sa kasal, isang madugong labanan ang naganap. Napuno ang langit ng mga palaso.
Napuno ang hangin ng tunog ng nagkikiskisang bolo. Nagtuos si Ulap at si Pagtuga, isang
labanan para sa kamay ng nag-iisang si Magayon.
Nadaig at napaslang ni Ulap si Pagtuga. Masayang sinalubong ni Magayon si Ulap, akmang
yayakapin—nang biglang isang ligaw na palaso ang tumama sa likod ng dalaga. At habang
sapo-sapo ni Ulap ang nag-aagaw-hininga niyang iniibig, bigla siyang sinibat sa likod ng
isang kawal ni Pagtuga. Agad na hinataw ni Datu Makusog ang kawal ng kaniyang minasbad,
isang matalim na bolo.
Pagkatapos ng mabilis na pangyayaring iyon, tumahimik ang lahat ng mandirigma. Tumigil
ang digmaan. Sa halip na marinig ang kasiyahan ng isang pagdiriwang ng kasalan, mga hikbi
at hagulgol para sa mga pumanaw ang lumutang sa hangin. Kahit na halos walang makita
dahil sa walang-tigil na pagluha si Datu Makusog, naghukay siya nang naghukay. Nang
matapos, nilibing niya ang kaniyang nag-iisang anak na si Magayon, at ang nag-iisa nitong
pag-ibig na si Ulap, nang magkatabi at magkayakap.
Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting tumaas ang lupang pinaglibingan kina Ulap at
Magayon. Tumaas ito nang tumaas, at di nagtagal, sinamahan ito ng pagyanig ng lupa at pagtilapon ng nagbabagang mga bato. Naniniwala ang mga matatanda na kapag nangyayari ito,
ginagalit ni Pagtuga ang bulkan upang maibalik sa kaniya ang mga kayamanang iniregalo niya
kay Magayon—mga regalong inilibing kasama ng dalaga sang-ayon sa mga lumang
paniniwala.
3. Kailan naisulat ang kwento ni daragang magayon
Answer:
Last year
Explanation:
Di namatay si project zorgo
4. mga tauhan sa kwento ng daragang magayon
daragang magayon, ulap, makusog, dawani, pagtuga at karilaya
5. isa-isahin ang mga tauhan sa kwento- kwento daragang magayon
Answer:
Si Datu Makusog, si Daragang Magayun, si Pagtuga, Si Ulap, at si Datu Karilaya.
Explanation:
Mga tauhan sa Daragang Magayon.
6. Pumili ng isa lang sa Karunungang bayan na may kaugnayan sa Kwento ni Daragang Magayon
Answer:
Pumili ng isa lang sa Karunungang bayan na may kaugnayan sa Kwento ni Daragang Magayon
Salawikain >>Maaring ito ay salawikain sapagkat matalinghagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong unang
panahon upang mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihan at kagandahang
asal..
7. Magbigay \ mamili ng 10 talinghaga sa kwento ni Daragang Magayon at gawin itong pangungusap. please po mkikisagutan
Explanation:
How well you listen has a major influence on study effectiveness, and on the quality of your relationships with others
8. ano ang mga suliranin sa kwento ng daragang magayon?
Answer:
Ang maragang magayon ayy sinasakop ang lipunan
9. ang talambuhay ni daragang magayon
si daragang magayon ay isang cdalaga na napakaganda.
10. Buong kwento Ng Ang Alamat ni Daragang Magayon
Answer:
hindi po dito kasya yung buong story kaya eto na lang po panoorin nyo sa youtube. search nyo
Title: Filipino Daragang Magayon (Alamat)
Youtube Channel: VDC Channel
if may need pa po kayo i comment nyo na lang, thanks
Explanation:
11. mga taohan sa kwento daragang magayon
Answer:
daragang magayon, ulap, makusog, dawani, pagtuga at karilaya
12. isa isahin ang mga tauhan sa kwento ni daragang magayon
Answer:
Daragang magayon -isang magandang babae mula sa Kabikulan, siya ang bida sa alamat.
Panganuron - ang tinatangi ni daragang magayon
Datu Makusog - ang chief ng kanilang village at ama ni Daragang Magayon.
Pagtuga - isang mayaman ngunit makasarili na manliligaw ni daragang magayon
13. Sino ang minamahal ni Daragang Magayon?.
Answer:
Ngunit ang puso ni Magayon ay pag-aari ng iba—kay Panganoron, anak ng isang pinuno ng tribo sa rehiyon ng Tagalog. Nagkita ang dalawa nang iligtas ni Panganoron si Magayon mula sa pagkalunod sa ilog isang maulan na gabi. Lumipas ang panahon at nahulog ang loob ng dalawa sa isa't isa.
14. pagkatulad ni daragang magayon at loki at thor
Answer:
pag sasama aama sa bong kapuloan at sa kaharian
15. sino ang ama ni daragang magayon
Answer:
Datu Makusog
Explanation:
im not sure
sana po makatulong㋛︎
16. ano ang talambuhay ni daragang magayon
si daragang magayon ay isang anak ng isang datu.siya ay isang magandang dalaga at marami rin siyang manliligaw.pinaniniwalaan ng mga bikolano na si daragang magayon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng bulkang mayon.
17. mga tauhan sa kwento ng daragang magayon
Answer:
Daragang magayon -isang magandang babae mula sa Kabikulan, siya ang bida sa alamat.
Panganuron - ang tinatangi ni daragang magayon
Datu Makusog - ang chief ng kanilang village at ama ni Daragang Magayon.
Pagtuga - isang mayaman ngunit makasarili na manliligaw ni daragang magayon
Explanation:
18. sa iyong palagay ano ang matututunan mo sa kwento na alamat ni daragang magayon?
Answer:
Dapat Kang magparaya Kabir na masaktan Ka magging masaya Lang Siya
Explanation:
Kabit na Hindi na ikaw ang dahilan Ng pagngiti nya
19. Talambuhay ni Daragang Magayon
SI DARAGANG MAGAYON AY ISANG PRINCESA AT ISANG ARAW SIYA AY DAPAT MALILIGO SA SAPA NANG MAKITA NIYA ANG ISANG LALAKI SIYA ANG NAGING PARTNER NIYA HANGGANG SIYA AY MABUBUHAY INIBIG NG KANYANG TATAY NA IPAKASAL SIYA SA IBANG LALAKI HANGGANG ANG LALAKING IYON AY NAGKAGUSTO KAY MAGAYON NAGING SAKIM MASYADO SIYA SA PAGIBIG HANGGANG IPINAGLABAN NG GUSTO NI MAGAYON NA TOTOO ANG KANILANG PAGIIBIGAN HANGGANG PINANA NG LALAKI ANG GUSTO NI MAGAYON PERO SINALBA NI MAGAYON PERO TUMAGOS ANG PANA KAYA SABAY SILA NAMATAY AT NILIBING SILANG DALAWA NG MAGKASAMA AT GUMAWA NG BULKAN ANG BULKANG MAGAYON AT MATAPOS ANG ILANG TAON ITINAWAG NA IYON NA BULKANG MAYON
20. sa alamat ni daragang magayon sino ang lalaking inibig ni daragang magayon
Answer:
si panganoroExplanation:
dahil siya ay niligtas nito sa pagkalunod nya sa ilog habang binabalanse niya ang kanyang sarili sa bato21. saglit na kasiyahan sa kwento ng daragang magayon
Answer:
ang bulkang mayon
Explanation:
di kasi full intraction ih sorry
22. Talambuhay ni Daragang Magayon
Si Daragang Magayon ay isang karakter na kadalasang makikita sa mga alamat patungkol sa Bulkang Mayon sa bayan ng Albay sa rehiyon ng Bikol.
Sinasabi sa alamat na siya ay isang prinsesa na nakipagtanan sa isang lalaki. Napatay ang kanyang minamahal matapos tamaan ng palaso mula sa isa sa mga tauhan ng hari na humahabol sa kanila. Kinuha rin ni Magayon ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak niya sa kanyang sarili gamit ang patalim na nasa katawan ng kanyang irog.
Matapos silang ilibing, sumibol ang isang bulkan sa pinaglibingan kay Magayon at tinawag itong Bulkang Mayon bilang pag-alala sa kanya.
23. Saan nangyayari sa kwento alamat ni daragang magayon
Ito ay naganap sa Albay,Bicol..
24. anong katangian ni daragang magayon
Answer:
Daragang magayon
Explanation:
Siya ay Maganda ,Mabait At Masipag.
25. talambuhay ni daragang magayon
Si Daragang Magayon ang nag iisang anak ni Datu Makusog. Si Datu Makusog ang kanyang Tatay. Ang kanyang Nanay ay namatay ng dahil sa pagpapanganak sa kanya. Maraming Binatilyo ang nang ligaw sa kanya ngunit wala sakanila ang nag wagi. Mayroon isang binatilyo na ang lalaking minahal niya na si Ulap. Sabay silang namatay nang dahil sa digmaan na nangyari.
26. Daragang magayon kwento
DARAGANG MAGAYON
Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang Magayon. Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis. Ayon sa ama ni Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang magpakasal kung kaya't pinapayagan na niya ito kung sakaling magpasya ang dalaga na makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang napipili mula sa kanyang mga manliligaw. Magpapakasal lang daw siya sa taong kanyang iniirog.
Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, siya ay nadulas at nahulog sa malalim na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga. Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang dalaga. Si Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya. Nangangaso siya noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak ni Magayon. Mabilis na tumalon ang matapang na mandirigma upang iligtas ang dalaga.
Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya't niligawan niya ang dalaga. Gayundin si Magayon ay napa-ibig sa matapang na lalakeng nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay ipinahayag ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa buong kaharian.
Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay naka-isip ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito pakakawalan kundi papayag si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon ang kanyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni Pagtuga.
Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang pakawalan nito ang kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang mga matatapang na mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo. Nanaig si Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong makita ni Magayon na napatay ng kanyang kasintahan ang kalaban ay dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man magkalapit ang dalawa ay isang ligaw nasibat ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay Panganoron at pinaslang ito.
Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng rajah ang walang buhay na katawan nila Magayon and Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang magkasintahan.
Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang libingan ay tumaas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang magandang prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng pagmamahalan nila Magayon at Panganoron.
In Tagalog and English
DARAGANG MAGAYON SUMMARY:

27. 1. Isa-isahin ang mga tauhan sa kwento sa kwento ni daragang magayon oleasse
Answer:
Datu Makusog, Dawani, Daragang Magayon, Pagtuga, Ulap, Datu Karilaya
28. daragang magayon sino sino angnmga tauhan sa kwento
Answer:
mga tauhan
date makusog
ulap
daragang magayo
pag tuga
29. sino ang ina ni Daragang Magayon
Answer:
si dawani
Explanation:
dawani ang kanyang ina namatay ito dahil sa pag silang kay daragang magayon
30. Anong uri ng kwento ang kwentong “Daragang Magayon”.
Answer:
ALAMAT
Explanation:
SANA PO NAKATULONG